--Ads--

Nakapagtala ang lalawigan ng Isabela ng dalawang daan dalawamput limang bagong nagpositibo sa Covid 19 habang sampu ang nasawi.

 sa pinakahuling datos ng Regional Epidemiology Surveillance Unit o RESU, umabot na sa  2, 460 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso.  

sa kabuuan nasa 18, 485 ang kabuuang naitalang kaso sa Isabela mula nang magkaroon ng pandemya habang 15, 525 ang mga recoveries o gumaling sa sakit at umabot na sa  limang daan ang naitalang nasawi.

Patuloy  ang paalala ng pamahalaang panlalawigan sa publiko na sumunod sa mga minimum health protocols upang manatiling ligtas sa virus na covid 19.

--Ads--