CAUAYAN CITY – Makikibahagi ang Department of Science and Technolody o DOST Isabela at pamahalaang Lunsod ng Cauayan sa clinical trials ng Ivermictin na para sa mga COVID-19 patients.
Ito ay bukod pa sa clinical trials ng Virgin Coconut Oil na maganda ang kinalabasan kung saan mabilis na gumaling ang mga may mild condition.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Director Lucio Calimag ng DOST Isabela na ang isasagawa ang research and development sa paggamit ng Ivermictin ng mga Medical Students ng ISU System sa tulong ng LGU Cauayan City.
Mayroon ding mga Volunteer Doctor ang sumali sa research at pag-aaral na sinusubaybayan ni Dr Jaime Montoya, Executive Director, Council for Health Research and Development.
Mayroon ding mga pagamutan dito sa Isabela ang nakipag-collaborate sa clinical trials ng Ivermictin sa mga COVID-19 patients na papayag sumailalim sa clinical trial.
Marami anya ang kailangang pasyente para sa clinical trials ng ivermictin.
Mayroon anyang terms and conditions o procedure sa mga sasailalim sa clinical trials para makumbinsing sumali ang mga COVID-19 patients.
Samantala, mayroon ding isinusulong ang DOST na pagtatayo ng Virology Laboratory para magkaroon ng sariling vaccines at balak itong ipatayo sa Clark, Pampanga.