--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumuo na  Special Investigation Task  Group ang Apayao Police Provincial na magsisiyasat sa pagpatay kay Deputy City Prosecutor Atty. Victor Begtang Jr. sa  Ilagan City, Isabela

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Lt. Col. Allen AgwakinG, hepe ng Provincial Community Affairs Development Unit   ng Apayao  Police Provincial Office na ang binuong SITG ang magsisiyasat sa pagkamatay ng Deputy City Prosecutor.

Ayon kay Police Lt. Col. Agwaking ang Special Investigation Task  Group ay pinamumunuan ng Provincial Director ng Apayao  Police Provincial Office katuwang ang CIDG, SWAT at  PNP Crime Laboratory.

Sa ngayon ay wala pang matukoy na motibo at pinaghihinalaan sa pagpaslang kay Atty. Begtang.

--Ads--

Marami anya silang anggulo na kinokonsidera kabilang ang kanyang trabaho.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa pamilya ng biktima upang magkaroon ng lead sa pamamaslang sa biktima.

Batay anya sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives ay nakakuha sila ng mga basyo ng Cal 45 na baril sa pinangyarihan ng krimen.

Magugunitang alas dos ng hapon noong ikadaawampu’t tatlo ng Hunyo ay pinagbabaril patay ng riding in tandem criminal malapit sa kanyang bahay nito sa Conner, Apayao.

Naisugod pa sa Conner District Hospital si Atty. Begtang ngunit binawian din ng  buhay.

Ang bahagi ng pahayag ni PLt. Col. Allen Agwaking.