--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakapagtala ang City Agriculture Office ng libu-libong ektarya ng maisan na naapektuhan ng tagtuyot.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Ricardo Alonzo, ang City Agriculturist, sinabi niya na labis na naapektuhan ang mga tanim na mais na kasalukuyang nasa reproductive stage.

Nakapagtala ang City Agriculture Office ng walong daan at tatlumpung ektarya ng totally damage o wala nang pag asa pang makarekober na mga tanim na mais na nasa reproductive stage.

Nasa 6,130 na ektraya naman ang mayroon pang pag asa na makarekober dahil nasa apatnapung bahagdan lamang ang apektado sa mga ito.

--Ads--

Sa kabuuan ay umabot sa 6,960 na ektarya ng tanim na mais ang naapektuhan sa lunsod habang mga magsasaka naman mula sa East at West Tabacal at sa Forest Region ang may pinakamaraming naapektuhan sa tagtuyot.

Ang bahagi ng pahayag ni Engr. Ricardo Alonzo.