--Ads--

CAUAYAN CITY– Inuuna ang mga senior citizen na mahina ang immune system sa pagtuturok ng ika-apat na dose ng bakuna kontra COVID-19 na nagsimula noong Biyernes sa Israel

Ito ay matapos na matuklasan ang Florona variant na kombinasyon ng COVID-19 at influenza na nagdudulot ng matinding lagnat.

Buntis na babae na nag-labor, walang bakuna at may mahinang immune system ang unang natuklasan na tinamaan ng Florona variant sa Israel.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Jenny Cortez, Pinay sa Israel na marami nang nagpakita ng sintomas ng Florona variant ngunit hindi sila na-diagnose

--Ads--

Pinag-aaralan na anya ng Israel Health Minister kung gaano ka-severe ang Florona variant.

Hindi naman apektado ang mga bahay kalakal sa bagong variant ng combination ng COVID-19 at influenza dahil normal lang ang pasok sa trabaho.

Bahagi ng pahayag ni Jenny Cortez