--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit 1 million pesos cash ang natangay sa dalawang empleyado ng J&T Delivery Express na hinoldap umano ng riding-in-tandem suspect sa Villasis, Santiago City.

Sa nakuhang na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang mga biktima ay sina Jerick Bilog, 25 anyos, binata, delivery express rider, residente ng Rizal, Santiago City at Ginalyn Lorenzo, 22 anyos, delivery express COD Admin, residente ng Divisoria, Santiago City.

Batay sa impormasyon mula sa Station 1 ng Santiago City Police Office (SCPO), nagtungo sa himpilan ng Pulisya ang mga biktima upang ipabatid ang naganap na panghohold-up sa kanila ng hindi pa matukoy na riding-in-tandem suspect habang patungo sila sa bangko.

Ang dalawang biktima ay lulan ng motorsiklo patungo sana sa isang banko na matatagpuan sa Camacam Street, Malvar, Santiago City upang magdeposito.

--Ads--

Sa salaysay nina Bilog at Lazaro, sa halip na sa city road sila dumaan ay tinahak nila ang Perez Street, Villasis, Santiago City dahil dadaan sila sa isang karinderya para bumili ng pagkain.

Ang mga biktima ay hinarang umano ng dalawang lalaking lulan din ng motorsiklo na bumunot ng Cal. 45 na baril at nagdeklara ng hold-up.

Tinangay ng mga suspek ang bag na naglalaman ng P1.094 million cash at tumakas sa hindi matukoy na direksyon.

Ang backrider na suspek ay nakasuot ng itim na jacket habang ang driver ng motorsiklo ay nakasuot ng puting jacket.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga kasapi ng SCPO Station 1 upang matukoy kung mayroong kasabwat ang mga holdaper.

Ang pahayag ni Jerick Bilog.