CAUAYAN CITY – Binigyang diin ng Philippine Drug Enforcment Agency (PDEA) region 2 ang kahalagahan ng pagsasailalim sa mga tanggapan sa Drug Free Work Place.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Public Information Officer Louella Thomas ng PDEA region 2 na patuloy ang pagbibigay ng PDEA ng Letter of Commendation sa mga Pribado at Government Offices sa region 2 kasunod ng pagtugon sa proseso ng Drug Free Work place.
Mahalaga aniyang magkaroon ng mas mataas pang kredibilidad ang mga tanggapan upang matiyak ang magandang kalusugan ng mga manggagawa.
Dapat aniya na magkaroon ng Drug Free Workplace Policy ang mga tanggapan, pagsailalim sa orientation, pagsasagawa ng drug test ng kada taon at pagsasagawa ng mga aktibidad laban sa iligal na droga.
Sa ngayon ay nasa 78 tanggapan na ang nakapagrequest sa kanilang tanggapan sa buong rehiyon at nasa 46 na rin ang nakatugon.
Nasa 33 PNP Stations naman sa lambak ng Cagayan ang nakatugon sa nasabing Drug Free Workplace Program.
Umaasa ang PDEA Region 2 na sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng ligtas at maayos na tanggapan ang mga opisina o ahensya mapa-pribado man o pampublikong tanggapan sa ikalawang rehiyon.










