--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatlong dating kasapi ng New People’s Army (NPA) ang  sumuko sa mga otoridad at kasama nilang sumuko ang ilang armas at bala sa Kalinga.

Sa pagtutulungan ng Lubuagan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, Kalinga Police Provincial Office, Regional Intelligence unit, Regional intelligence Division Cordillera, 503rd Infantry Brigade, 50th Infantry Battalion, 1st at 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 15, 141 special Action Force at CIDG Kalinga ay matagumpay na sumuko ang mga dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG).

Kabilang sa mga nagbalik loob sina Ka Landing at Ka Joker o Ka Diwa na mga magsasaka at dating Militia ng Bayan sa Barrio sa ilalim ng Lejo Cawilan Command ng Kilusang Larangang Guerilla (KLG)-Baggas.

Kabilang din si Ka Omar o Ka Dante na kabilang sa VTL ng SYP 1 sa ilalim ng NWLRPC at Komiteng Distrito 1.

--Ads--

Isa siya sa mga sangkot sa naganap na sagupaan sa pagitan ng NPA at militar noong 1998. 

Isinuko nila ang isang unit ng isang guage 12 ammunitions, isang Caliber 22 magnum, Smith & Wesson na may apat na bala, isang Unit ng cal. 30 U.S carbine may isang magazine at dalawang bala.

Ang pagbabalik loob ng mga dating rebelde ay resulta ng Oplan Montañosa sa tulong ng programang KASIMBAYANAN at sa pakikipagtulungan ng Kalinga Returnees Association o KRA, immediate family members, Kalinga Religious Sector Association o KARSA katuwang ang LGU Kalinga.