--Ads--

CAUAYAN CITY – Laking pasasalamat ng pamunuan ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) dahil wala silang nakitang mga iligal na paputok sa isinagawa nilang surprise inspection sa mga tindahan ng paputok.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PLt. Scarlette Topinio, tagapagsalita ng IPPO na kabilang ang mga tindahan ng paputok sa mga bayan ng Alicia at Echague maging sa Cauayan City ang pinagsagawaan nila ng surpise inspection.

Umaasa silang patuloy ang kooperasyon ng mga nagbebenta ng paputok na iwasang magbenta ng mga ipinagbabawal na paputok.

Nanawagan din siya sa mga mamimili na huwag tangkilikin ang mga iligal na paputok upang maiwasan ang ano mang aksidente sa pagsalubong ng bagong taon.

--Ads--

Aniya, may mga hindi naka-unipormeng pulis na nagsasagawa ng inspection.

Tinig ni PLt. Scarlette Topinio.