--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagkampeon sa Little League Baseball, 50/70 Intermediate Baseball, Junior League Baseball at Senior League Baseball ang Tanauan City sa katatapos na 2023 Little League Philippine Series National Finals sa City of Ilagan Sports Complex.

Kampeon naman sa Little League Softball at Senior League Softball ang Negros Occidental.

Nagkampeon din ang Bago City sa Junior League Softball habang First Runner-up sa Little League Baseball ang Ilocos Norte.

Ang Mountain Province naman ang First Runner-up sa 50/70 intermediate Baseball habang ang Northern Samar ang First runner-up sa Junior League  Baseball at ang first runner sa Senior League Baseball ay ang Zambales.

--Ads--

Nakamit din ng Tanawan City ang First Runner-up sa Liitle League Softball habang ang Negros Occidental ang nakakuha ng First Runner Up sa Junior League Softball at ang Bago City ang nagkamit ng First Runner-up Senior League SoftBall.

Second Runner-Up ang Medina Misamis Oriental sa Little League Baseball habang ang Ilocos Norte ang second runner-up sa 50/70 intermediate baseball.

Ang Baguio City ay second runner-up sa Junior League Baseball at ang City of Ilagan ang second runner-up sa Senior League Baseball.

Second Runner-up din ang Ilocos Norte sa Little League Softball habang ang Saranggani ay second runner-up sa Junior League Softball at ang Bulacan ang Second Runner-up sa Senior League Softball.

Sa naging talumpati ni Mayor Josemarie Diaz sinabi niya na ang katatapos na sporting event ay isa na namang milestone para sa lunsod ng Ilagan.

Pinasalamatan din niya ang mga opisyal at manlalarong nagbuhos ng pawis para sa kompetisyon.

Tinig ni Mayor Josemarie Diaz.