--Ads--

CAUAYAN CITY – Narekober ng mga sundalo ng 103rd Infantry Battalion sa ilalim ng 503rd brigade at ng mga tropa ng 24th Infantry Battalion at 102 Infantry Battalion sa ilalim ng 501 brigade  sa tulong ng lokal na komunidad ang arms cache o imbakan ng armas ng New People’s Army sa Sitio Talaay, Barangay Bunglo , Licuan-Baay, Abra.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DPAO chief Army Major Rigor Pamittan sinabi niya na matagumpay na natuklasan ng operasyong ito ang mga Improvised Explosive Device (IED), kasama ang mahahalagang Medikal at Food Supplies, na hinihinalang pag mamay-ari ng RYS, RSDG, at KLG sa North Abra.

Tahasang sinabi ng concerned citizen na ang mga narekober na kagamitang pandigma, kasama ang mga mahahalagang suplay ng medikal at pagkain, ay inilaan para gamitin ng mga CTG sa pagsasagawa ng mga taktikal na opensiba at pananambang laban sa mga tropa ng gobyerno.

Ayon kay Army Maj. Pamittan na nadil nauna nang nagbalik loob ang NPA member na siyang nakatalaga sa paggawa ng IED ay hinihinalang ang mga narekober sa Sitio Talaay ay iilan nalamang sa mga naitagong IED ng mga nalalabing miyembro ng NPA.

--Ads--

Sa ngayon ay nagsasagawa sila ng monitoring para matukoy kung may mga IED na naitanim ang mga NPA sa naturang lugar.

Matatandaan ay kamakailan ay sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng Militar at KLG Baggas kaya masigasig ang militar para hanapin ang mga itinagong armas ng naturang grupo.