--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsasagawa ng libreng medical mission ang Land Transportation Office o LTO Cauayan para sa mga Public Utility Drivers.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Deo Salud, District Head ng LTO Cauayan, sinabi niya na layunin ng naturang programa na matulungan ang mga jeepney at tricycle drivers sa pamamagitan ng libreng serbisyong medical.  

Aniya, taun-taon ay nagsasagawa ang LTO ng Medical Caravan para sa mga Public Utility Drivers at umaasa sila na magtutuloy-tuloy ang ganitong programa para mas marami pa ang mahatiran ng tulong.

Katuwang aniya ng LTO sa naturang programa ang mga accredited na mga medical clinic sa Cauayan city kung saan namamahagi rin sila ng libreng gamot at vitamins sa mga benepisyaryo.

--Ads--