--Ads--

CAUAYAN CITY – Abala ngayon ang Land Transportation Office o LTO Region 2 sa paghahatid serbisyo sa malalayong Barangay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Manny Baricaua ng LTO Region 2, sinabi niya na tuloy tuloy ang programa nila kung saan nagtututngo sila sa malalayong Barangay para maghatid serbisyo partikular sa pagpapalisensya o pagpaparehistro.

Sa katunayan aniya ay Enero pa ng taong kasalukuyan nang ilunsad ng LTO ang programa kung saan tulung-tulong ang mga District Extension Office at Operations Division ay nagtutungo sa Barangay para dooon magbigay ng serbisyo sa mga nagnanais na magpalisensya, kumuha ng Student Permit at magparehistro ng sasakyan.

Nagbibigay din sila ng seminar sa mga motorsita kaugnay sa road safety measures maliban pa sa pagbibigay ng libreng helmet.

--Ads--

Nilinaw naman niya na ang seminar na kanilang ibinibigay ay iba sa theoretical driving course na inaalok ng kanilang mga accredited driving school.