--Ads--

CAUAYAN CITY- Nilinaw ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd Region 2 na wala pasing natatanggap na expired Nutribans.

Inihayag ni Head- Public Affairs Unit, Amir Aquino ng DepEd Regional Office 2 na masusi nilang sinisilip ang expiration date ng mga ipinamamahagi nilang Nutriban sa mga Paaralan.

Aniya sa ngayon ay wala pa naman silang natatanggap na expired nutribans gayunman handa silang magsagawa ng sariling imbestigasyong sakaling makatanggap sila ng ganitong reklamo.

Aniya mawawalan ng saysay ang hangarin ng proyekto kung hindi rin mapapakinabangan ng mga mag-aaral ang ipinamamahaging Nutriban ng Kagawaran.

--Ads--

Kahit walang report ay hinihikayat nila ang bawat School Heads na sundin ang naibabang guidelines kaugnay sa School Based Feeding Program ng DepEd.