--Ads--

Ikinatuwa ng husto ng Department of Education Region 2 ang pag-angat ng standing ng Cagayan Valley sa katatapos na National Schools Press Conference (NSPC) ngayong taon na ginanap sa Ormoc City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Benjamin Paragas ng Department of Education Region 2, sinabi niya na sa secondary level ay tinanghal bilang overall champion ang Region 2.

Aniya, namayagpag nang husto ang Region 2 pagdating sa group events partikular sa Radio at TV Broadcasting.

Maliban dito ay dinomina rin ng mga student journalist sa rehiyon ang ilang mga kategorya sa elementary level dahilan upang masungkit ng Region 2 ang pangatlong pwesto sa overall standing ng 18 regions na kalahok sa NSPC.

--Ads--

Ayon kay Dr. Paragas, pagkatapos ng Regional Schools Press Conference ay tinutukan nila ng husto ng training ng mga student journalist. Nag-imbita rin sila ng mahuhusay na mga journalism practitioners upang tumulong sa paglinang ng kakayahan ng mga kalahok.