--Ads--

Isang piloto ng Turkish Airlines ang namatay matapos itong atakehin sa sakit na puso at mawalan ng malay sa kalagitnaan ng kanilang flight mula sa Seattle, USA patungong Istanbul, Turkey.

Pinilit naman ng co-pilot ng Turkish national carrier na mag-emergency landing sa New York.

Ang Turkish Airlines Airbus 350 ay lumipad mula sa Seattle, USA nitong Martes ng gabi at patungo sana sa Istanbul, Turkey ayon sa tagapagsalita ng airline na si Yahia Ustun.

Ayon kay Ustun, binigyan naman ng first aid ng mga flight crew ang piloto ngunit binawian din ito ng buhay bago pa man makapag-emergency landing ang eroplano.

--Ads--

Ang 59-year-old na piloto ay nagtrabaho sa Turkish Airlines mula noong 2007 at nakapasa naman sa medical examination nitong Marso at walang indikasyon ng problema sa kanyang kalusugan.