--Ads--

Sa halip na certificate of no marriage (CENOMAR) ay marriage certificate ang natanggap ng isang babae nang mag-apply ito ng CENOMAR sa tanggapan ng Philippine Statistics Authority sa Bacolod City.

Ayon kay Evelyn Ruelan, laking gulat niya nang makatanggap ng marriage certificate gayong hindi pa naman siya kasal.

Batay anya sa nakalahad sa kanyang marriage certificate ay ikinasal umano siya sa isang Indian National sa Valenzuela.

Gayunman, ay hindi umano niya kakilala ang nasabing lalaki at hindi rin siya nakakarating pa sa Valenzuela.

--Ads--

Ang pinagtataka pa ni Ruelan, tugma ang kanyang mga personal na detalye na nakalahad sa marriage certificate.

Nakatakda sanang ikasal si Ruelan sa kanyang kinakasama sa Disyembre.

Gayunman, dahil sa nasabing dokumento kung kayat ipinagpaliban muna ang kanilang kasal.

Nakatakda namang magtungo si Ruelan sa tanggapan ng PSA para sa pagsisiyasat sa nasabing pangyayari.