Pinaiigting ng San Isidro Police Station ang implementasyon ng safer cities initiative para sa mas mapayapang bayan ng San Isidro Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Ana Marie Anog, Chief of Police ng San Isidro Police Station, ibinahagi nito na kabilang sa mga initiatives na kanilang ginagawa ay ang road safety managements upang mapababa ang bilang ng mga askidente sa kanilang nasasakupan.
Kaugnay nito ay naglunsad ang kanilang hanay ng MALASAKIT project katuwang ang iba’t ibang ahensya sa bayan ng San Isidro.
Sa pamamagitan ng naturang programa ay mas pinaigting ang mobilization ng response teams, awareness campaign sa road safety, gayundin ang lighting at signage improvements sa mga kalsada, pagtiyak na clear ang mga curved areas sa kalsada, interventions para sa road clearing, at ang pag-train sa mga local officials para sa mga dapat gawin sa pagpapanatili ng kaligtasan sa kalsada.
Maliban dito ay pinaiigting din ang deployment ng mga PNP Personnel sa lahat ng mga places of convergence, maging ang pagsasagawa bg detective patrolling upang mapigilan ang mga krime na maaaring maitala sa kanilang nasasakupan.
Dahil napaggitnaan ng ilang mga bayan ang bayan ng San Isidro, mayroong naitalagang mga pulis sa mga barangay upang mamonitor ang movement ng mga naglalabas-masok sa kanilang nasasakupan.
Samantala, pinaghahandaan na rin ng PNP San Isidro ang pagdagsa ng mga residenteng bibisita sa mga sementeryo. Kaugnay nito ay nanawagan siya sa lahat na sumunod sa mga umiiral na batas upang makaiwas sa mga hindi kanais-nais na insidente.











