--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinaghahandaan na ng Lupon ng halalan o Comelec Santiago city ang kick-off ng National Campaign Period sa buwan ng Pebrero.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Election Officer Atty. Jenny May Gutierez  sinabi niya na inaasahan na nila ang paglipana nanaman ng mga illegal campaign materials kaya naman bago ang pagsisimula ng campaign period ay muli silang magpupulong para sa gagawing Oplan baklas.

Nakahanay din sa buwan ng Marso bago ang Local Campaign period ang Inter Peace Rally and Peace Covenant Signing kasama ang mga Local Candidates.

Sa ngayon nag papatuloy parin ng ACM o Automated counting Machine Demonstration sa iba’t ibang Barangay sa Lunsod.

--Ads--