--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinag-aaralan na ng lokal na mambabatas ng Cauayan ang pagkakaroon ng ordinansa ukol sa pagbabawal sa mga cargo vehicles na bumaybay sa Cauayan nang walang takip.

Sa pagpapahayag ni SP Paolo Eleazar Delmendo, kapansin pansin aniya na maraming mga dumptruck at iba pang malalaking sasakyan ang dumadaan sa pambansang lansangan na naglalaman ng mga palay, at quarry materials tulad ng malalaking bato, buhangin , at iba pa.

Maging ang mga sasakyan na naglalaman ng iba’t-ibang uri ng agricultural products ay dapat lamang aniya na malagyan ng cover kahit tolda lamang.

Kadalasan aniya ay wala pang mga nilalagay na cover sa mga ito na sadyang mapanganib sa mga motorista.

--Ads--

Posible kasi na mahulog ang mga laman ng truck tulad na lamang ng bato na magiging sanhi ng disgrasya sa mga nakasunod na sasakyan.

Dapat aniya na maimplementa ang ordinansa upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at upang matiyak na rin ang kalinisan sa lugar.

Kung sakali man na maisasabatas ito sa lungsod ay wala namang magiging exempted dahil titiyakin ng pamahalaan na lahat ng mula sa iba’t-ibang munisipalidad ay magkakaroon ng ideya rito.