CAUAYAN CITY- Ikakasa ngayong hapon ang simultaneous earthquake drill na pangungunahan ng Office of Civil Defense Region 2 (OCD Region 2) sa Tuguegarao City, Cagayan LGU.
Inihayag ni OCD Region 2 Information Officer Mia Carbbonel na gaganapin ito mamayang alas 3 ng hapon katuwang ang Cagayan United Doctor’s Medical Center na may layuning mai-showcase ang kanilang disaster control room.
Ang drill ay ibabaatay sa Philvolcs simulation senario na may earthquake intensity scale 8.
Ipapakita dito ang capability ng Tuguegarao City partikular ang emergency operation center, evacuation, traffic management at hospital refferal system sa lahat ng mga pagamutan sa Lunsod.
Hinikayat din ng OCD ang LGU Tuguegarao na makiisa sa pag bibigay ng medical management ng mga pasyente o biktima ng drill.