--Ads--

Minamadali nang tapusin ang mga drainage system na proyekto sa Minante 1, Cauayan City bilang paghahanda sa La Niña o posibleng malalakas na pag-ulan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay kagawad Walter Abregado, sinabi niya na bagaman wala namang mga ilog na madalas makaapekto sa mga kabahayan, madalas naman aniyang stagnant o walang daluyan ang tubig tuwing malakas ang ulan.

Isa sa prinayoridad na gawan ng drainage canal ay ang Research partikular sa Zone 1 at Zone 2 na mayroong tig 300-400 metro na haba.

Bukod dito, mayroon pa aniyang ginagawa sa Zone 3 at Purok 4 na siyang mga lugar na madalas makaranas ng pagbaha.

--Ads--

Ang mga proyekto sa iba’t-ibang purok o zone sa lugar ay pinondohan aniya ng 100,000 hanggang 200,000 pesos kabilang na dito ang culvert na inilagay para sa daluyan ng tubig.

Dagdag pa rito, bagaman hindi pa aniya natatapos ang proyekto ay target naman aniyang matapos ito bago pa man makaranas ng malalakas na pag-ulan.