--Ads--

Nakatakdang magsagawa ng buong araw na pagbubukas ng dalaw ang Cauayan City Distict Jail ngayong December break

Bahagi ito ng plano ng BJMP para sa.lahat ng mga bilanggo at kanilang pamilya ngayong december break

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Senior Inspector Isagani Gayap, deputy warden ng Cauayan City District Jail, isa ito sa pinapa aprubahan ng piitan sa regipnal office para sa mga PDL

Aniya, ang warden ang nakaisip na magkaroon ng apat na araw na bukas ang piitian pra sa lahat ng dumadalaw mula umaga hanggang hapon

--Ads--

Ngunit ayon sa kaniya, hanggang sa ngayon ay hinihintay pa ang pinal na desisyon ng BJMP region 2 kung aaprubahan ang panukala ng nasbaing piitan

Kabilang sa pinapaaprubahan na mga petsa ay ang December 24-25 at December 31 at January 1

Ngunit nilinaw ng piitan na lahat ng mga kamahmg anak na magtutungo ay nakalimit lamang sa tatlo ang pi akamarmi na pwedeng dumalaw

Maari naman na ang ibang mga kamag anak ay pumasok sa hapon ngunit pagbabawalan na ang mga nakapasok na nang umaga ay muli pang papasok sa hapon

Ayon sa deputy warden paraan ito nang sa ganoon ay mamonitor ang espasyo sa loob ng piitan at matiyak na lahat ng mga nagnanais pumasok ay makakapasok.