Back-to-back na kinilala bilang best district jail sa region 2 ang Cauayan City District Jail matapos muling makamit ang nasabing pagkilala para sa taong 2025-2026.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jail Chief Inspector Susan Encarnacion nauna na ring nakatanggap ng kaparehong parangal ang pasilidad para sa 2024-2025.
Ayon kay encarnacion, kabilang sa mga tinututukan ng Cauayan City District Jail ang kapakanan at rehabilitasyon ng mga persons deprived of liberty o PDL’s, sa pamamagitan ng mga programa sa loob ng pasilidad.
Samantala, hindi lamang sa loob ng piitan nakatuon ang mga gawain ng mga kawani ng district jail.
Kamakailan, nakibahagi ang mga ito sa river cleanup activity sa Alicacao riverbank sa Cauayan City, bilang bahagi ng pakikiisa sa International Coastal Cleanup Day 2026.
Kabilang sa mga sakop ng aktibidad ang mga bahagi ng Barangay Alicaocao, na nakatuon sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig at pagtugon sa problema ng basura sa kapaligiran.
Ayon pa kay Encarnacion, nakiisa rin ang kanilang hanay sa bamboo planting activity ng DENR CENRO-Cauayan City, bilang bahagi ng mga gawaing nakatuon sa pangangalaga ng kapaligiran.
Patuloy namang nakikiisa ang Cauayan City District Jail sa mga gawaing nakatuon sa rehabilitasyon ng mga PDL’s at sa mga aktibidad para sa kapakanan ng komunidad at pangangalaga ng kapaligiran.











