--Ads--

Asahan na ang dagdag-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ngayong unang araw ng Pebrero matapos magpatupad ng panibagong price hike ang ilang pangunahing LPG companies sa bansa.

Nagpatupad ang Petron ng ₱1.50 kada kilo na dagdag-presyo sa LPG. Samantala, kaninang alas-sais ng umaga naman ipinatupad ng Solane ang ₱1.55 kada kilo na umento sa kanilang LPG products.

Ayon sa mga ulat, ang pagtaas ng presyo ay kaugnay ng adjustment sa international contract prices ng LPG para sa buwan ng Pebrero.

Matatandaang noong Enero ay nagpatupad din ng dagdag-presyo ang parehong kumpanya kung saan tig-₱2.18 kada kilo ang itinaas ng Petron at Solane sa kanilang LPG.

--Ads--