--Ads--

Muling magpapatupad ng bawas-presyo sa Liquefied Petroleum Gas o LPG ang ilang kumpanya ngayong Huwebes, Nobyembre 19, na aabot sa ₱2 kada kilo.

Batay sa anunsiyo ng isa sa mga LPG distributor, nakabatay ang rollback sa paggalaw ng international contract prices kasabay ng positibong pananaw sa usapang pangkapayapaan ng United States at Iran.

Inaasahan namang magpapatuloy ang serye ng price rollback ngayong Nobyembre, habang nakadepende sa contract prices sa pagtatapos ng buwan ang magiging presyo ng LPG sa Disyembre.

Kabilang sa mga kumpanyang nauna nang nagpatupad ng bawas-presyo ngayong buwan ang Petron, EC Gas, Pryce Gases at Seaoil, na nagpatupad ng rollback na ₱3.74 hanggang ₱4 kada kilo.

--Ads--