--Ads--

Sisimulan nang isa­lang sa deliberasyon ng House Committee on Justice kung may sapat na porma at sustansiya ang inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, Pebrero 2.

Enero 19 nang ihain ang impeachment complaint laban kay PBBM ni Atty. Andre de Jesus kaugnay sa umano’y kidnapping ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ang ikalawang reklamo ay isinampa naman ng progressive group leaders at House members mula sa Makabayan bloc noong Enero 26.

Nakasaad dito ang umano’y betrayal of public trust kabilang ang pagsisingit umano ng P100 bilyon sa national budget at kickbacks sa flood control program.

--Ads--

Aminado si Ridon na mahihirapang makalusot sa Kamara ang impeachment complaint laban kay PBBM.