Gumawa ng kasaysayan ang 16-time Grammy award winner na si Bruno Mars matapos niyang makamit ang Guinness World Record para sa pinakamalaking concert sa loob ng isang video game.
Noong January 17, dumagsa ang 12,862,161 concurrent viewers sa Roblox game na “Steal a Brainrot” upang saksihan ang kanyang virtual performance.
Tinalo ng nasabing numero ang dating record holder na si Travis Scott, na humakot ng 12.3 milyong manonood sa kanyang Fortnite event noong 2020. Sa sobrang dami ng active listeners ni Bruno Mars sa platform, nalampasan pa nito ang kabuuang populasyon ng Sweden.
Sa loob ng laro, lumabas si Bruno bilang isang virtual avatar at pinerform ang kanyang bagong single na “I Just Might” at ang classic hit na “Locked Out of Heaven”.
Bukod sa musika, naging patok din ang inilabas niyang limited edition in-game character na tinawag na “Brunito Marsito,” na dinownload ng mahigit 5.4 milyong beses ng mga manlalaro.
Ang “Steal a Brainrot” ay isang sikat na laro sa Roblox na hango sa capture-the-flag mechanics at Italian internet humor. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng celebrity pop-up concert sa nasabing game, na lalong nagpatibay sa reputasyon ng Roblox bilang hindi lang gaming platform kundi pati na rin music venue.
Ayon kay Jessica Meehan ng Roblox, patunay ito na ang musika ay may kapangyarihang magbuklod ng mga komu?idad sa virtual world sa mga paraang hindi inaasahan.











