--Ads--

Nakapagsuot ng 17 T-shirt habang patuloy na kino-control ang soccer ball gamit ang ulo ang isang 56-anyos na soccer enthusiast mula Kosovo, na nakapagtala ng bagong Guinness World Record.

Si Agim Agushi, isang high school math teacher at ama ng dalawang anak, ay nalampasan ang dati niyang record na 14 T-shirt.

Ayon kay Agushi, sinadya niyang 17 ang bilang bilang pag-alala sa Pebrero 17, ang Independence Day ng Kosovo.

Bukod dito, hawak din niya ang iba pang Guinness World Records, kabilang ang pinakamaraming T-shirt na naalis habang kino-control ang bola gamit ang ulo at ang pinakamatagal na pag-heading ng soccer ball sa pagitan ng dalawang tao na umabot sa 34 minuto at isang segundo.

--Ads--