--Ads--

Pumanaw na ang dating House Speaker na si Jose de Venecia Jr. sa edad na 89, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang pamangkin na si Joan de Venecia na siyang nagbahagi ng balita sa publiko.

Kilala bilang “Manong Joe,” si De Venecia ay nagsilbi bilang Speaker ng House of Representatives sa loob ng 13 taon sa magkakahiwalay na termino kabilang ang mga panunungkulan mula 1992 hanggang 1998 at 2001 hanggang 2008.

Isa siya sa mga haligi ng partidong Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) at kinilala bilang pangunahing tagapagtaguyod ng Dollar Remittance Program, na naglalayong palakasin ang suporta sa mga pamilyang Pilipinong umaasa sa kita ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ipinanganak si De Venecia sa Dagupan City, Pangasinan noong Disyembre 31, 1936.

--Ads--

Natapos niya ang kanyang pag-aaral sa De La Salle University at Ateneo de Manila University.

Patuloy na inaalala si “Manong Joe” bilang isang beteranong mambabatas at lider na nag-iwan ng mahalagang ambag sa pulitika at serbisyo publiko sa bansa.

Naiwan nya ang kanyang maybahay na si Rep. Gina De Venecia gayundin ang kanilang anim na anak.

Bukod sa kanyang mahabang karera sa pulitika, nagsilbi rin siya bilang kolumnista.

Mananatili ang kanyang pamana sa kanyang kakayahang bumuo ng koalisyon at makipag-ugnayan sa mga kritikal na usaping pambansa at pandaigdig