--Ads--
Inaasahang tataas ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo habang posibleng magpatupad naman ng bawas-presyo sa diesel at kerosene simula Lunes, Nobyembre 2, 2026, batay sa galaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Batay sa kalakalan mula Oktubre 26 hanggang 31, inaasahang tataas ng ₱2.00 hanggang ₱2.50 kada litro ang presyo ng gasolina.
Samantala, posibleng bumaba naman ng ₱0.50 hanggang ₱1.00 kada litro ang presyo ng diesel at ₱1.50 hanggang ₱2.00 kada litro sa kerosene.
Gayunman, inaasahan pang maglalabas ng opisyal na anunsiyo ang mga kumpanya ng langis kaugnay sa eksaktong halaga ng dagdag at bawas-presyo bago ang implementasyon nito.
--Ads--











