Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Ramon Police Station ang isang lalaki na kabilang sa No. 5 Municipal Most Wanted Person kaugnay ng kasong pagpatay matapos maipatupad ang bisa ng isang Mandamiento de Aresto dakong alas-10 ng umaga ngayong araw, Pebrero 10, sa Barangay Bugallon Proper, Ramon, Isabela.
Ang naarestong akusado ay kinilalang si alyas “Diego,” 41 taong-gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng Purok 4, Barangay Bugallon Norte, Ramon, Isabela.
Ang Mandamiento de Aresto ay may petsang Enero 16, 2026 at inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 19, Cauayan City, Isabela, na may inirekomendang piyansa na ₱120,000.
Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine.
Sa kasalukuyan, siya ay nasa kustodiya ng Ramon Police Station bago ang kanyang turnover sa korte na nag-isyu ng warrant.
Patuloy na hinihikayat ng PNP Isabela ang publiko na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon upang higit pang mapalakas ang kampanya laban sa kriminalidad at matiyak ang kaligtasan ng mamamayan.











