--Ads--

Ikinatuwa ng mga member consumer ang pagbaba ng bayarin sa kuryente ngayong Pebrero.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Emma Tauyang, consumer, sinabi niya nitong nasa 720 pesos lamang ang kanilang binayaran sa kasalukuyang buwan na higit na mas mababa kumpara sa dati nilang bill.

Aniya, umaabot minsan sa 1,000 pesos ang kanilang electric bill kaya nagsagawa sila ng mga hakbang upang makatipid.

Kabilang dito ang mas maingat na paggamit ng ilaw at iba pang kagamitang de kuryente sa kanilang bahay.

--Ads--

Gayunman, nabanggit din niya na may mga nagsasabing posibleng tumaas muli ang singil sa mga susunod na buwan.

Dahil dito, patuloy umano nilang pinapayuhan ang kanyang mga apo na magtipid sa paggamit ng kuryente nang sa ganoon ay maiwasan ang mataas na bayarin sa kuryente.

Samantala, umaaasa naman ang ilang mga consumer na manatiling abot-kaya ang singil sa kuryente sa mga susunod na buwan.