Posibleng lumakas ang export performance ng Pilipinas matapos ibasura ng Supreme Court of the United States ang 19% reciprocal tariffs na ipinataw ng administrasyon ni President Donald Trump sa mga produktong inaangkat ng Amerika.
Ayon sa Philippine Exporters Confederation Inc., ang pagtanggal sa 19% taripa ay inaasahang magpapababa ng export costs at magpapalakas ng demand sa US market.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, umabot sa $84.41 bilyon ang merchandise exports ng bansa noong nakaraang taon, tumaas ng 15.2% mula sa $73.27 bilyon. Nanguna ang electronic products na may $49.96 bilyon, habang mahigit $1 bilyon sa agricultural exports ang saklaw ng exemptions.
Bagama’t may pansamantalang 10% global tariff ang US sa loob ng hanggang 150 days, nananatiling competetive ang Pilipinas dahil pantay ang pagpapatupad nito sa lahat ng bansa.











