--Ads--

Hiniling ng Office of the Solicitor General sa Supreme Court na ibasura ang petisyong kumukuwestiyon sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE at tanggihan ang hiling na preliminary injunctive relief.

Sa 64-pahinang komento, iginiit ng OSG na dapat ibasura ang petisyon dahil nilabag umano nito ang hierarchy of courts, na nag-aatas na sa mababang hukuman muna idulog ang mga usaping sakop din ng hurisdiksyon nito.

Samantala, kinuwestiyon ni election lawyer Romulo Macalintal ang pagpapaliban ng BSKE na nakatakda sanang isagawa noong Nobyembre 2026.

Sa ilalim ng Republic Act No. 12326, inilipat ang susunod na BSKE sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028 at itinakda sa limang taon ang termino ng mga barangay at SK officials.

--Ads--

Iginiit naman ng OSG na valid ang naturang batas at hindi umano karapat-dapat si Macalintal sa temporary restraining order dahil may presumption of validity ang isang batas na naipasa ng Kongreso.