--Ads--
Kinumpirma ng Pentagon na inalis na ng United States ang lahat ng B-1 bomber aircraft nito mula sa Royal Air Force Fairford sa southwest England at nakabalik na sa kanilang home stations sa Amerika.
Nangyari ito matapos ang isang kahina-hinalang insidente malapit sa airbase na nagresulta sa paglikas sa 85 bahay. Iniulat ng isang magsasaka ang ilang lalaking naka-maskara at mga van na nakaharang sa kalsada.
Walang pampasabog na nakita sa mga van, ngunit may nakuhang gasolina. Samantala, pinalaya na sa piyansa ang limang lalaking inaresto kaugnay ng insidente.
Itinanggi naman ng Iran ang anumang pagkakasangkot sa insidente.
--Ads--











