Nasa Ombudsman at Department of Justice (DOJ) na ang mga inirekomendang kasuhan kaugnay ng flood control scam.
Ito ang tugon ng Malacañang sa pagkainip ng Iglesia ni Cristo sa kinalabasan ng imbestigasyon sa multi-bilyong pisong katiwalian sa mga flood control projects.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hinihikayat ang publiko na hintayin ang magiging resolusyon ng korte sa mga inirekomendang makasuhan, kabilang ang mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways, dating senador, pribadong kontratista, at ilang mambabatas.
Binigyang-diin ni Castro na umiiral ang rule of law at due process, kaya hindi agarang makikita ang resulta sa mga kasong inirekomenda sa flood control scam.
Nitong Biyernes, naglabas naman ng pahayag ang INC, na nagsasabing tatlong buwan na ang lumipas simula nang kanilang pagsusumite ng reklamo.











