Pukpukan na ang training ni Alex Eala para sa BNP Paribas Open na magsisimula na bukas sa Indian Wells, California.
Sumabak na si Eala sa practice sa Indian Wells kung saan nakasama niya si Laura Siegemund ng Germany sa kanilang session. Tumagal ang ensayo ni Eala ng isang oras mula alas-11 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, oras sa California.
Nakatuon si Eala sa pagpapabuti ng kanyang forehand at backhand, pati na rin sa serves na isang aspeto na kadalasang tinuturing na kahinaan ng Pinay netter. Unti-unti namang bumubuti ang kanyang serves, na makikita sa dami ng service aces niya sa mga nakaraang torneo.
Bago ang kanyang laban sa Indian Wells, nagkaroon pa siya ng ilang araw ng pahinga dahil nabigyan siya ng opening-round bye.
Bukod sa mga Grand Slam events, isa ang Indian Wells sa pinakamalaking torneo sa WTA Tour, kung saan kinakailangang lumahok ang mga nangungunang manlalaro sa buong mundo. Kaya naman inaabangan na ang kumpetisyon na pangungunahan nina world No. 1 alenka, No. 2 Iga Swiatek No. 3 Elena Rybakina, No. 4 Coco Gauff, No. 5 Jessica Pegula, No. 6 Amanda Anisimova, No. 7 Jasmine Paolini at si Mirra Andreeva.










