--Ads--

Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Slight Physical Injuries sa isinagawang operasyon ng Traffic Enforcement Unit (TEU) sa Barangay Rizal, Santiago City

‎Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 21, Santiago City. Ang operasyon ay isinagawa sa pinagsanib na pwersa ng Traffic Enforcement Unit at Police Station 1.

‎Nakasaad sa kautusan ng hukuman na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱1,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

‎Matapos ang pag-aresto, agad na ipinaalam sa suspek ang dahilan ng kanyang pagkakadakip at ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa umiiral na batas.

--Ads--

‎Patuloy naman ang pinaigting na kampanya ng mga awtoridad laban sa mga indibidwal na may kinakaharap na kaso upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa komunidad.