--Ads--

Nagtamo ng minor injury ang isang rider matapos bumangga sa sinusundang motorsiklo at paparating na sasakyan sa Sagana, Santiago City, kagabi, Setyembre 26.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Melchor Aggabao Jr. sinabi nito na habang binabagtas ng biktima ang national highway ay tinangka nitong mag-overtake sa sinusundang motorsiklo subalit namiskalkula ito ng rider dahilan upang mahagip nito ang motorsiklo tsaka muling bumangga sa paparating na sasakyan o hatchback sa kabilang linya ng kalsada.

Bagama’t naka-helmet ang biktima ay nagtamo pa rin ito ng gasgas sa katawan matapos itong tumilapon.

Nagtamo rin ng damage ang hatchback subalit nagkasunod ang may-ari at ang biktima na hindi na nito ipapabayad ang pinsalang natamo ng sasakyan at nangako ring tutulong sa gamutan ng rider.

--Ads--

Ayon kay PMaj. Aggabao, maliwanag ang pinangyarihan ng insidente at hindi rin accident-prone area.

Pinalalahanan naman niya ang mga motorista na ugaliing maging maingat sa pagmamaneho at maging defensive driver upang makaiwas sa aksidente.