--Ads--

Arestado ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos mabuwag ang isang drug den sa Barangay Mabini, Santiago City, Isabela.

Isinagawa ng PDEA Regional Office 2, ang buy-bust operation dakong alas-12:35 ng tanghali nitong Setyembre 11, 2026, katuwang ang Santiago City Police Office at iba pang law enforcement units.

Kabilang sa mga naaresto sina alyas “Val,” 41-anyos, isang auto dent repair worker at sinasabing maintainer ng drug den; alyas “Lyn,” 39-anyos at walang trabaho; at alyas “Sario,” 45-anyos na tricycle driver.

Nasamsam sa operasyon ang 0.4 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 2,720 pesos at 88.7 gramo ng hinihinalang marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng 10,644 pesos. Nakuha rin ang buy-bust money, isang cellphone at iba’t ibang drug paraphernalia.

--Ads--

Nahaharap ang tatlo sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11 at 12, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.