--Ads--

Muling namataang magkasama si Enrique Gil at ang napapabalitang girlfriend na si Andrea Brown sa isang spa.

Sa kumakalat na video, makikitang magkasabay silang lumabas ng establisimyento at ilang minutong nanatili sa reception area upang magbayad. Panakaw umano ang pagkaka-video at tila inabangan pa ang kanilang paglabas.

Matagal nang iniuugnay ang dalawa sa isa’t isa. Bagamat wala pang opisyal na pag-amin, madalas silang nakikitang magkasama sa publiko kaya lalo pang umiingay ang usap-usapan tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

May ilang netizens ang nagsabing mas mabuting pumili umano sila ng mas pribadong lugar upang maiwasan ang intriga, habang may iba namang naghihinala na tila nagsasama na ang dalawa, bagamat wala pa ring kumpirmasyon mula sa kanilang panig.

--Ads--