--Ads--

Inamin ng aktor na si Enrique Gil na hindi na sila kasing lapit ni Liza Soberano kumpara noon, at nagkakausap lamang sila kapag may mahahalagang bagay sa kanilang buhay.

Gayunman, sinabi ng aktor na nais pa rin niyang magtagumpay ang kanyang ex-girlfriend at matupad ang mga pangarap nito.

Aniya, masaya siya sa kung ano man ang mga nangyayari ngayon sa buhay ni Liza, ngunit pareho silang abala kaya hindi na sila madalas magkausap.

Sa ngayon, bukas na raw si Enrique na muling magka-love life matapos ang mahabang panahon ng pagiging single.

--Ads--

Aminado rin siya na matagal siyang nag-isa at ngayon ay unti-unti na siyang muling nakikipag-usap sa ibang tao.

Dagdag pa ng aktor, mahalaga para sa kanya ang mag-move forward, magtiwala sa Diyos, at tanggapin kung ano man ang darating sa kanyang buhay.