--Ads--
Usap-usapan ang umano’y impormasyong magiging ama na si Enrique Gil matapos kumalat ang balitang namataan siyang kasama ang kanyang rumored girlfriend na nagtungo sa isang doktor.
Naging paksa rin ito sa isang online show, kung saan may mga nagtanong kung totoo ang balitang buntis ang umano’y nobya ng aktor. Gayunman, wala pang kumpirmasyon mula kay Enrique o sa kanyang kampo.
Ayon sa ilang showbiz insiders, wala namang masama kung totoo man ang balita dahil nasa tamang edad na ang aktor upang magtayo ng sariling pamilya.









