--Ads--

Pansamantalang binuksan ng Qatar ang kanilang airspace matapos ang kanselasyon sa lahat ng flights dahil sa mga missile at drone attack ng Iran, habang nagpapatuloy ang US-Israeli military campaign laban sa bansa.

Ayon sa Qatar Civil Aviation Authority, limitado ang operasyon at sakop lamang ang mga flights para sa evacuation ng pasahero at air cargo. Pinayuhan ang mga pasahero na imonitor ang updates mula sa kanilang airlines bago pumunta sa airport.

Nag-anunsyo ang Qatar Airways ng repatriation flights sa Mar. 7 patungo sa London, Paris, Madrid, Rome, at Frankfurt, na prayoridad ang stranded passengers, matatanda, at may agarang pangangailangang medikal.

Nagsara ang airspace ng Qatar noong Pebrero 28 bilang precautionary measure, matapos tamaan ng 14 ballistic missiles at 4 drones mula sa Iran. Mahigit 2,000 flights naman ang nakansela sa Hamad International Airport.

--Ads--

Sa Gulf region, apektado rin ang ibang airlines kung saan inanunsyo ng Emirates ang limitadong flights, at inaasahang babalik sa full network sa mga susunod na araw depende sa airspace availability.