--Ads--
Nakapasok na sa quarterfinals ng AFC Women’s Asian Cup 2026 ang Philippine women’s national football team, ang Filipinas.
Ang kanilang pag-usad sa knockout stage ay nakumpirma matapos tambakan ng Japan ang Vietnam, 4-0, sa huling laban ng Group C sa Perth.
Dahil sa resulta, ang Filipinas ay nagtapos bilang ikalawang best third-placer, matapos makapagtala ng isang panalo at dalawang talo sa Group A, may minus-2 goal difference.
Nakapasok din ang Uzbekistan mula Group B na may parehong minus-2 GD.
--Ads--
Samantala, bumagsak ang Vietnam sa minus-4 GD, kaya’t ang Pilipinas ang tuluyang nakapasok sa huling walo.
Sa quarterfinals, haharapin ng Filipinas ang powerhouse na Japan sa darating na Marso 15 sa Sydney.








