Nais palawakin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang retail payment system sa bansa sa pamamagitan ng mga panukalang regulations na magbibigay-daan sa mga qualified third-party providers na magsagawa ng payment transactions at sa mga maliliit na financial institutions na magkaroon ng access sa clearing services ng malalaking bangko.
Sa ilalim ng panukala, maaaring pahintulutan ng mga customers ang third-party providers na mag-initiate ng payments mula sa kanilang bank accounts gamit ang secure electronic platforms.
Gayunman, hindi papayagang tumanggap o humawak ng pondo ang mga payment initiation service providers dahil mananatili ang pera sa mga bangko o financial institutions kung saan nakalagak ang accounts.
Nais din ng BSP na mabigyan ng mas malawak na access sa clearing services ang smaller financial institutions sa pamamagitan ng partnerships sa malalaking bangko na magsisilbing clearing sponsors.
Layunin ng panukala na mapalawak ang access sa safe, efficient at reliable digital payment services sa bansa.











