--Ads--

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Tourism Secretary Christina Frasco bilang Presidential Adviser for Sustainable and Resilient Communities.

Ayon sa Malacañang, kabilang sa magiging tungkulin ni Frasco ang pagpapatupad at pagsubaybay sa mga prayoridad na programa sa mga komunidad, lalo na sa harap ng lumalaking banta mula sa mga hazard na may kaugnayan sa climate change.

Samantala, itinalaga si Tourism Undersecretary Verna Buensuceso bilang officer-in-charge ng Department of Tourism kapalit ni Frasco.

Inilarawan si Frasco bilang isang kalihim na nanguna sa mga hakbang upang suportahan ang mga tourism enterprise at kabuhayan, gayundin sa pagpapalakas ng ugnayan ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan sa iba’t ibang panig ng bansa.

--Ads--

Nagpahayag din ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Frasco para sa kanyang serbisyo at nagbigay ng kumpiyansa sa kakayahan nito, lalo na sa pakikipagtulungan sa mga Local Government Unit at mga komunidad.

Bago inilabas ang naturang appointment, kumalat ang mga ulat na posibleng mapalitan na si Frasco bilang kalihim ng Department of Tourism.