--Ads--

‎Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang driver ng puting van na sangkot sa naitalang hit-and-run incident sa Minante Dos, Cauayan City, Isabela noong gabi ng Marso 10 matapos na hindi sumipot sa inaasahang pagsuko kahapon.

‎Ang driver ay kinilalang si Marcelino de Guzman.

‎Ayon sa ulat, inaasahan sana ng mga awtoridad na kusang susuko si De Guzman kahapon upang harapin ang mga reklamong maaaring isampa laban sa kanya, subalit hindi ito dumating.

‎Dahil dito, patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng mga awtoridad upang agad na mahanap at maaresto ang suspek.

--Ads--

‎Samantala, ang isang lalaki na lulan din ng naturang van na si alias “Roger” na naaresto kahapon kaugnay ng kaso, ay pansamantala namang pinalaya matapos ang isinagawang imbestigasyon.

‎Ayon sa mga awtoridad, patuloy pa ring nililinaw ang kanyang posibleng kaugnayan sa insidente.

‎Sa ngayon ay nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon ng mga kinauukulan upang matukoy ang buong detalye ng pangyayari at matiyak ang pananagutan ng driver ng van na sangkot sa hit-and-run incident.