--Ads--

Nagsagawa ng serye ng surprise inspection ang pamahalaang lungsod ng Santiago sa mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) upang matiyak ang pagsunod sa umiiral na mga patakaran sa kalsada.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Vice Mayor Jamayne Tan ng Santiago City, sinabi niya na layunin ng inspeksyon na matukoy kung sumusunod ang mga TODA members sa mga regulasyong ipinatutupad sa ilalim ng BPOs at sa mga programa ng lungsod, partikular sa road clearing.

Aniya, bahagi rin ito ng pangarap ng lokal na pamahalaan na mapanatili ang kaayusan sa mga lansangan at masiguro ang kaligtasan ng mga motorista at pasahero.

Binanggit din niya na kabilang sa tinututukan sa inspeksyon ang pagsunod sa mga alituntunin sa kalsada at ang pagtugon sa mga isyung may kaugnayan sa daloy ng trapiko sa lungsod.

--Ads--

Sa pamamagitan ng naturang hakbang ay inaasahan ng pamahalaang lungsod na mas mapapalakas ang disiplina sa kalasada at maiiwasan ang mga sagabal sa trapiko sa iba’t ibang bahagi ng Santiago City.